Posts

Edukasyon: Hamon at Solusyon

Image
Sinulat ni: Jhian Andrei Amodia Ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay may kinakaharap na malalaking suliranin tulad ng kakulangan ng pasilidad, guro, at materyales sa pag-aaral. Maraming pampublikong paaralan ang nakakaranas ng kakulangan sa silid-aralan, kung saan may mga silid na para sa 40 mag-aaral ngunit pinupuno ng 60 o higit pa. Ito ay nagdudulot ng pagbaba ng kalidad ng pagkatuto, dahil hirap ang mga guro na magbigay ng sapat na atensyon sa bawat estudyante. Bukod sa pasilidad, isa pang malaking hamon ang kakulangan ng mga kwalipikadong guro. Maraming guro ang gumugugol ng oras sa mga gawaing administratibo sa halip na magpokus sa pagtuturo, dahilan upang bumaba ang kalidad ng kanilang pagtuturo. Napansin ng EDCOM II na ang mga guro sa bansa ay madalas na may mga karagdagang gawain, na nagdudulot ng kakulangan sa oras para makapaghanda at magbigay ng dekalidad na edukasyon. Photo by: Congwingatchalian Mga Plano at Estratehiya ng Gobyerno: BEDP 2030 Upang tugunan ang mga pro...